Skip to product information
1 of 2

[Art Print] 2026 Pebrero by darlingkink

[Art Print] 2026 Pebrero by darlingkink

Regular price ₱100.00 PHP
Regular price Sale price ₱100.00 PHP
Sale Sold out
Size

Handa ka na ba para sa buwan ng pag-ibig?
May magarang damit na ba,
Bagong sapatos, kumpletong kolorete?
Saan ang 'yong punta at sino ang kasama?
Buwan ng puso na naman, at ako’y mag-isa.
'Di na bale, ako nama’y masaya!
Pagdating ng ika-labing apat, ako’y poporma,
Bibili ng bulaklak, kakain ng masarap,
Manonood ng sine, bibili ng tsokolate,
Uuwing busog, pagod pero maligaya
Gigising kinabukasan, maghahanda para umaga
Dahil bukas makalawa, kahit na mag-isa,
Ako'y buhay, malusog, puno ng pag-asa;
Dahil sa dulo ng lahat, kahit minsa’y mabigat
Ang pag-ibig ko'y narito, ang pag-ibig ko'y sapat.

— darlingkink (@darlingkink)

  • Small Postcard is 4x5.6" Old MIll 300gsm
  • Medium Poster is 8x11.25" Old Mill 300gsm
  • Large Poster is 12x17" Old Mill 130gsm
View full details